Binomba ng reklamo mula sa 50 investors mula sa Davao City ang "Repa" paluwagan, isang diumano unauthorized na grupo na nagpapautang.

Sa interview ng "SunStar" kay Davao City Anti-Scam Unit (ASU) chief Simplicio Sagarino sinabi nito na nakakatanggap ang kanilang opisina ng mga reklamo laban sa Repa mula pa noong Oktubre 1.

Dagdag pa ni Sagarino, mayroong iba't-ibang administrators ang nasabing paluwagan.

Ayon sa mga report, nagsimula ito limang buwan na ang nakalilipas at tumalon na as iba't-ibang lugar tulad ng Bukidnon, Cebu, at Bohol.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa una ay maayos raw ang paglalabas ng pera at hindi tulad sa "Kapa," mas malaki sa 20% ang balik ng ipinasok na pera. Kaya naman marami ang na-enganyo na subukan ang paluwagan na ito dahil sa magagandang testimonya.

Ngunit nito lamang, hindi na sila nakakatanggap ng kanilang 'payout.' Kaya naman napagpasyahan na ng mga investors na magsampa ng reklamo laban sa grupo.

Samantala, lumagpas na sa 300 na residente sa Bohol ang dumulog sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa lagpas P2 bilyong na perang nawala mula sa Repa.

Pinaiimbestigahan na ni Bohol Gov. Arthur Yap, sa tulong ng Criminal Investigation at CIDG, ang dulog ng mga nagrereklamo laban sa Repa.

Naglabas naman ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) Philippines ukol sa Repa matapos ito bombahin ng mga katanungan.

Ayon sa komisyon, hindi sila mag-iissue ng "License to Sell Securities to the Public" sa lahat ng kasali sa tinatawag na 'Ponzi Scheme' tulad na lamang sa Repa.

Paalala ng SEC sa publiko, huwag nang mag-invest sa Repa.

"The public is strongly advised NOT TO INVEST or STOP INVESTING in any scheme offered by REPA/REPA PALUWAGAN or such other entities similarly engaged in investment contracts without prior registration from the Commission," pahayag ng SEC.