Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, lumagpas na sa 4,000 ang indibidwal, edad 12-17, ang nagparehistro para sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa interview ng "ABS-CBN," ibinahagi ni Zamora na ang paglobo ng bilang ay sa loob lamang ng dalawang linggo matapos ilunsad ng syudad ang vaccination portal para sa mga minor.

“Kitang-kita ko nga ho ang excitement ng mga magulang sapagkat gusto ho talaga nilang mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga anak. Alam niyo po ang aming datos dito sa San Juan 15 percent po ng aming active cases ay 18 (years old) and below, so malaking porsyento pa rin po ito ng kabataan na naaapektuhan at nagkakaroon ng COVID-19,” ani Zamora.

Sa paunang ulat ng gobyerno mayroong anim na ospital na gagamitin para sa pagbabakuna sa mga kabataan edad 12-17:

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  1. Philippine Children’s Medical Center
  2. National Children’s Hospital
  3. Philippine Heart Center
  4. Pasig City General Hospital
  5. Fe Del Mundo Medical Center at;
  6. Philippine General Hospital

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, mauunang bakunahan ang edad 15-17, susundan naman ito ng 12-14. Dagdag pa ni Galvez, pagkatapos ng 14 na araw ay palalawakin ang programa sa pagbabakuna sa mga kabataan sa iba pang local government units (LGUs) sa loob ng Metro Manila.

Patrick Garcia