Isa pang malaking partido pulitikal, ang Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang naglaan ng isang posisyon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sakaling magbago siya ng isip at magpasyang tumakbo sa pagka-presidente.

Kinuha ng Lakas-CMD ang isang miyembro nito na si Anna Capela Velasco na nag-file certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo nitong nakaraang linggo.

Inamin naman ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., Lakas-CMD secretary general, na si Velasco ay isa lang placeholder para kay Duterte-Carpio sakaling magpasiya ang alkalde na tumakbo sa panguluhan.

“We just filed (COC for president) so that just in case Mayor Inday decides to run for president under Lakas, we have something we can offer," pagdidiin pa ni Pichay.

Bert de Guzman