Nagulat ang lahat nang biglang i-anunsyo ni Kabayan Noli De Castro na hindi na siya tutuloy sa kaniyang pagtakbo bilang senador, sa ilalim ng tiket ni Presidential Candidate Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso, nitong Oktubre 13, 2021.

Batay sa kaniyang pormal na pahayag, napag-isip-isip umano ni Kabayan na mas makatutulong siya sa taumbayan sa pamamagitan ng pamamahayag. Noong Oktubre 7, 2021 ay pormal na siyang namaalam sa kaniyang mga programa sa ABS-CBN, gaya ng TeleRadyo at ang flagship newscast na 'TV Patrol'.

May be an image of text
Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nitong Oktubre 11 naman ay pormal at opisyal nang bumalik ang award-winning news anchor na si Karen Davila, para sa 'bagong mukha' ng TV Patrol kasama nina Henry Omaga Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Si Pia Gutierrez naman ang pumalit kay Karen sa 'The World Tonight' kasama ni Tony Velasquez.

At ngayong mukhang nais nang bumalik sa pamamahayag ni Kabayan, ano na ang susunod na mga kabanata? Etsa puwera na ba si Karen? O idadagdag na lamang siya para mas malakas ang puwersa nila, lalo't nasa 24 Oras na si Kuya Kim Atienza at wala pa silang ipinakikilang bagong weather man at trivia master?

May espekulasyon din ang mga netizen na baka 'taktika' o scapegoat lamang ni Kabayan ang pagtakbo sa senado para makaalis siya sa Kapamilya Network, at makalipat sa ibang estasyon, lalo't bakante umano ang posisyon ni Raffy Tulfo sa 'Frontline Pilipinas', ang flagship newscast ng TV5, at katapat ng TV Patrol gayundin ng 24 Oras.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Paano na si Karen? Okay na kami sa tatlo eh!"

"Naku, baka naman napag-isip-isip niya na hindi na siya mananalo kaya balik na lang siya sa ginagawa niya."

"Baka lilipat sa ibang network, tapos ginawang scapegoat lang 'yung pagtakbo niya? Pero mapapaisip ka rin, anong meron kay Isko at nagsisi-withdraw ang mga kasama niya sa partido?"

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs sa bagong development na ito kaugnay ng desisyon ni Kabayan.