Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), gugulong na ang clinical trials ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa darating na Oktubre 15.

Ito ay upang malamang kung epektibo ba ang nasabing gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) na asymptomatic at mga nakakaranas ng mild na sintomas.

Ibinahagi ni DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña sa Manila Bulletin na aabot sa walong linggo ang pagsusuri at magsisimula ito sa Okt. 15.

Matatandaan na sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development (R&D) Dr. Rowena Cristina Guevara noong Agosto na nakatakdang simulan ang pag-aaral na “Double-Blind, Placebo-Controlled, Randomized Controlled Trial to Assess the Efficacy, Safety, and Effect on Viral Clearance of Ivermectin in Asymptomatic and Non-Severe COVID-19 Patients Confined in Isolation Facilities” sa Setyembre 15.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binigyang diin naman ni Guevara na ang nakikipagtulungan ang DOST sa University of the Philippines (UP) Manila- Philippine General Hospital (PGH), na pinangungunahan ni Dr. Aileen Wang, para sa nasabing proyekto.

Ateneo Quarantine Facility, La Salle Quarantine Facility, University of the Philippines Diliman (UPD), at Makati Science High School Quarantine Facility ang kabilang sa mga napiling pasilidad para sa pagsusuri.

Mayroong 1,464 na asymptomatic at non-severe Filipino COVID-19 na pasyente, na may edad na di bababa sa 18, ang kasali sa proyekto.

Ang layunin ng pagsusuri ay makapagbigay ng datos ukol sa kung magiging epektibo ang Ivermectin sa mga asymptomatic at non-severe na pasyente.

Ayon kay Guevara, ang interim analysis report ay ilalabas sa kalagitnaan ng Disyembre.

Charissa Luci-Atienza