Patay ang bagong panganak na sanggol sa Abra Provincial Hospital matapos mapugutan ng ulo.

Sa interview ng "Saksi," ibinahagi ng ina ng sanggol na namatay ang bata ngunit hindi ipinaliwanag sa ina na naputol ng ulo ng sanggol matapos ito isilang.

Nalaman na lamang ng ina na putol na ang ulo ng bata matapos niya ito makita noong nakauwi na sila ng kanilang bahay.

Planong magsampa ng kaso ang pamilya ng laban sa ospital.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon naman sa ospital, iniimbestigahan na nito ang insidente at handa rin ito humarap sa kasong maaaring isampa ng biktima.

Dagdag pa ng ospital, namatay ang sanggol habang ipinagbubuntis kaya naman ay kinakailangang mailabas upang maiwasan ang posibleng masamang pangyayari sa ina ng bata.

Samantala, pinagpapaliwanag na ng attending physician ng biktima.