Ipapatupad ng Metro Manila Council (MMC) ang pinaikling curfew hours magmula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw sa buong Metro Manila simula sa Oktubre 13 dahil sa pagbaba ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019  (COVID-19) sa rehiyon.

Noong Lunes, Oktubre 11 iniulat ng Department of Health (DOH) na may pangkalahatang pagbaba nh COVID-19 active cases sa Metro Manila bunsod ng isinasagawang mabilis at episyenteng estratehiya ng pagdetect at pag-isolate gayundin ang mga hakbang sa pagbabakuna.

Inilahad mismo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ang adjustment sa mga oras ng curfew ay inaprubahan ng 17 na alkalde sa Metro Manila dahil sa pagbaba nh bilang ng mga kaso COVID-19, patuloy na pagsunod at pagpapatupad ng COVID-19 protocols at minimum public health standards.

"Everything is going down. The number of COVID-19 cases are declining as well as the reproduction rate, according to DOH data and OCTA Research. In light of the recent developments particularly the steady decrease of active cases, the curfew hours being presently implemented in the NCR under Alert Level 4 has to be adjusted," pahayag ni Abalos sa giannap na press briefing nitong Martes.

National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ang kasalukuyang curfew hour ay mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw kasunod ng implementasyon ng bagong alert level system noong Setyembre na nagsilbing pilot testing para pigilin ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus.

Samantala, inaprubahan din ng MMC ang isang resolusyon na nag- aatas sa Metro Manila LGUs na gumawa ng mga ordinansa o mag-adopt ng mga resolusyon ukol sa restriksyon o pagbabawal sa pagtungo sa mga pampubliko at pribadong sementeryo, memorial parks, at columbaria magmula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 upang maiwasan ang malaking pagtitipon o mass gatherings at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng paggunita sa Undas o All Saints' Day.

Idinagdag pa ng MMDA chief na nagpasya ang MMC na gayahin ang resolusyon ng implementasyon noong nakaraang 2020 na pansamantalang isara ang mga sementeryo sa buong Metro Manila sa loob ng isang linggo.

Nasa kabuuang 29 sementeryo sa Metro Manila, ayon pa sa MMDA.

“Filipinos can still physically visit the graves of their departed loved ones earlier than October 29 or later than November 2, subject to the prescribed thirty percent (30%) venue capacity,” Abalos said. “Face masks, face shields, and observance of physical distancing will be required.”

Batay sa nasasaad sa MMDA Resolution No. 21-22, Series of 2021 “as for the conduct of wakes, necrological services, funerals, interment, cremation, and inurnment during this five-day period, the prescribed guidelines by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases shall govern.”

Binubuo ang MMC ng 17 na local government units  sa Metro Manila, ang governing body at policy-making body ng MMDA. 

Bella Gamotea