Ipinagtanggol ni Kapamilya actor Paulo Avelino ang kaniyang kaibigang si Jake Cuenca matapos ang kinasangkutan nitong insidente sa pagitan ng mga pulis sa Mandaluyong City.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/11/jake-cuenca-kakasuhan-nga-ba-ng-mga-pulis-dahil-sa-kinasangkutang-car-incident/

Matatandaang hinabol at inaresto siya ng mga pulis sa Mandaluyong City, matapos na mabangga ang police mobile, at nagtuloy-tuloy lamang sa pagmamaneho. Dahil dito, hinabol siya ng mga pulis, at nang hindi pa rin siya huminto, binaril na nila ang gulong nito, na naging dahilan naman upang di-sinasadyang matamaan ang isang Grab rider na agad namang nadala sa ospital. Hindi umano inakala ni Jake na pulis na pala ang mga humahabol sa kaniya dahil naka-sibilyan sila.

Batay sa imbestigasyon, papunta umano si Jake Cuenca sa bahay ng kaibigang Kapamilya actor na si Paulo Avelino, na kare-recover naman sa COVID. Kaya naman sa isang tweet, ipinagtanggol ni Paulo ang kaniyang kaibigan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me it's either I shoot back or run for my life. Wrong place, wrong time," aniya.

Paulo Avelino (Screengrab mula sa Twitter

Pinabulaanan din niya ang tanong ng isang netizen, kung lasing ba si Jake nang magmaneho ito.

"Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa COVID."

Paulo Avelino (Screengrab mula sa Twitter

May paalala naman siya sa publiko na huwag basta maniwala sa fake news. Alamin munang maigi kung saan nagmula ang mga impormasyon bago post nang post sa social media.

"Mauna sa balita bida ngayon. GET YOUR FACTS STRAIGHT AND KNOW THE TRUTH BEFORE YOU POST."