Bumasag ng dalawang records ang solo debut ng Blackpink member na si Lisa Manoban ayon sa Guinness World Records.

Inilabas ni Lisa ang solo debut song nitong 'LALISA' noong Setyembre 10.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa loob ng isang araw, umabot ito 73.6 milyong views, na kung saan ay natalo nito ang kanta ni Taylor Swift na "Me" na mayroong 62.5 milyong views noong 2019. Dahil dito, naagaw ni Lisa ang record na Most Viewed YouTube music para sa isang solo artist.

Dahil sa 73.6 milyong views, nakuha rin ni Lisa ang record na Most Viewed YouTube music video ng isang solo K-pop artist.

Natalo ni Lisa ang Blackpink co-member nitong si Rosé sa kanta nitong "On the Ground," na nakakuha ng 41.6 milyong views sa loob ng 24 oras, na ini-release noong March 12.

Nakakuha naman ng kauna-unahang panalo si Lisa sa Music Bank noong Setyembre 17.

Samantala, nagpahayag naman ng papuri ang prime minister ng Thailand na si Prayut Chan-o-cha matapos i-promote ni Lisa ang kultura ng bansang ito sa kanyang music video.

Nagmula sa bansang Thailand si Lisa at siya ang pangatlong miyembro ng K-pop group na Blackpink na nagkaroon ng solo debut. Pinangunahan ni Jennie ang debut noong 2018 sa debut song nitong "Solo." Sinundan naman ito ni Rosé sa album nitong "R." Samantala, ang co-member naman nilang si Jisoo ay naghahanda sa K-drama series nitong "Snowdrop," na inaasahang ie-ere sa darating na Disyembre.