Matapos ang insidenteng kinasangkutan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, tila ang jowa nitong si Binibining Pilipinas International 2016 at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa ang napagbalingan ng ilang mga netizens.

Jake Cuenca at Kylie Verzosa (Larawan mula sa IG)

Habang may ilang mga nagtatanong kung kumusta na ba si Jake matapos maabswelto sa nakaambang kasong reckless imprudence with damage to property, may ilang mga 'masyadong' concerned netizens naman ang nagbigay ng payo kay Kylie na pagsabihan nito ang jowa.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Narito ang mga pahayag ng ilang mga netizens:

“Anyari sa jowa mo teh.”

“How is Jake now!?!?!”

“Kumusta man si Jake day?”

“Nananatili yung pagging idol ko kay Jake sa kabila ng Balita sa kaniya ngayon, never siyang madudungisan sa paningin ko, next time po mag-iingat na po sana siya! I'm so sad na makita siya sa news na may ganung issue pero andito pa rin po yung pagiging idol niya sa akin, hinding-hindi mawawala 'yun.”

"Pagsabihan mo jowa mo hindi yung puro porma lang alam.”

Samantala, sa mismong social media accounts ni Jake ang bumaha ang iba't ibang mga reaksyon at komento.

"Because you try to escape pati rider na naghahanapbuhay para sa pamilya nadamay pa. I hope you'll be responsible to help the man. Ano na lang ang maituturo mong magandang asal sa magiging anak mo kung daddy ka na in the future?"

"Ang angas… sa daan. LOL."

"Sana all di kinasuhan. Sana all pina-detain ang pulis. Sana all talaga!"

"Kapag may pera wala nang kaso noh!"

"Pag may violation or wala kung pinapahinto ng authority give respect and follow them para po wala na madamay pa… mapera naman kayo na kayang bayaran ano man violation n'yo.. kawawang driver nadamay sa spoiled rich and famous na ayaw sumunod."

"Super angas to the point na tumatakbo once may nabangga… Galing mo!"

Samantala, bagama't wala pa siyang opisyal na pahayag o maging ang ABS-CBN management sa kinasangkutan niyang isyu, mismong mga pulis ng Mandaluyong Police District Station ang nagsabing walang kasalanan si Jake, maging sa nangyaring pagkakabaril sa Grab rider.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2021/10/11/jake-cuenca-kakasuhan-nga-ba-ng-mga-pulis-dahil-sa-kinasangkutang-car-incident/

Ayon sa imbestigasyon, hindi huminto si Jake dahil mga nakasibilyan ang mga nagpapahinto sa kaniya, kaya natakot siya at hindi huminto. Saka lamang siya huminto nang paputukan na ang gulong ng kaniyang sasakyan, at nang may humarang na sa kaniyang mga unipormadong lalaki, na mga pulis na nga.

Nang mga sandaling iyon ay nagkataon namang may buy-bust operation sa Shaw Boulevard, kaya napagkamalan siyang kasama sa mga hinuhuli.

Wala naman umanong natagpuang kahit na anong bagay na ilegal sa loob ng kotse ng aktor. Hindi umano totoo na may dala itong baril.