Naisipan nina Aika, Tricia, at Jillian Robredo; mga anak ni Vice President Leni Robredo, ang pagsusuot ng kulay "pink" tuwing Miyerkules upang magpakita ng suporta sa kanilang ina na tatakbo bilang presidente sa May 2022 polls

Pinangunahan ito ng panganay na anak ni Robredo na si Aika. Sa kanyang Twitter account, tila sinabi niya ang magiging mechanics ng kanilang ideya. 

Screengrab mula sa Twitter account ni Aika Robredo

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

"Simulan natin sa Wednesday this week, and let’s make it a Wednesday habit! Tara, game? Invite your friends!" tweet ni Aika.

"Kung isa lang pink niyo (tulad ko), 'yan nalang isuot every Wednesday! Hahahaha. Pwede rin pink mug, kahit anong pink! Let's use this hashtag: #KakampinkWednesdays Let's go, mga kakampink!!" dagdag pa niya.

Screengrab mula sa Twitter account ni Aika Robredo

Nagtweet din ang ikalawang anak ni Robredo na si Tricia, aniya: "Bilang na bilang lang pink kong gamit at may trentang Wednesdays pa before May 9, 2022 but TARAAA G?!"

Screengrab mula sa Twitter account ni Tricia Robredo

Hindi rin nagpahuli ang bunsong anak na si Jillian: "Pink! Every Wednesday."

Screengrab mula sa Twitter account ni Jillian Robredo

Matatandaan na sinabi ni Vice President Leni Robredo na kulay "pink" ang piniling kulay ng kanyang mga tagasuporta.

(Photo: OVP/Manila Bulletin)

“Wala kaming plano sa kulay. Hindi namin naplano yung kulay kasi alam niyo naman kung gaano ka-belated yung aming decision. Pero eto kasi yung naging kulay nung groundswell ng volunteers,” sabi ni Robredo.

“Kami ay nakikinig sa taumbayan na kung palagay nila ito yung kulay na magsi-symbolize ng sama-samang aspiration para mapalitan na yung klase ng pamumuno na mayroon tayo ngayon, gagawin namin yun,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/10/08/vp-robredo-sa-piniling-kulay-ng-kanyang-mga-tagasuporta-pink-is-peoples-choice/