Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 8,615 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes habang mahigit 25,000 pasyente naman ang iniulat na gumaling na mula sa karamdaman.

Batay sa case bulletin #577 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,683,372 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 12, 2021.

Sa naturang kabuuang bilang, 82,228 o 3.1% ng total cases pa, ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 73.2% ang mild cases, 14.2% ang asymptomatic, 7.28% ang moderate, 3.8% ang severe at 1.6% ang kritikal.

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 25,146 pasyente na gumaling na mula sa virus sanhi upang umabot na sa 2,561,248 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.4% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 236 mga pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 39,896 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.49% ng total cases.

Samantala, ayon pa sa DOH, mayroon ring 57 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 38 recoveries.

Mayroon rin namang 120 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago