Binasag na ng dating director ng 'It's Showtime' na si Direk Bobet Vidanes kung bakit bigla siyang nagbitiw at lumayas sa dati niyang dinidereheng programa sa Kapamilya Network.

Sa loob ng halos 12 taon, si Direk Bobet na ang direktor ng naturang show, na nagsimula bilang pampainit at panimulang programa para sa noo'y noontime show at katapat ng Eat Bulaga na 'Wowowee' hosted by Willie Revillame.

Sa kasagsagan ng pandemya at dagok na kinahaharap ng Kapamilya Network sa kanilang franchise renewal, nagbitiw ng mga salita nang live si Direk Bobet, na kahit magwalis o masaka na lamang sila, wala pa ring iwanan.

Ngunit nagulantang ang mga It's Showtime hosts at maging mga solid Kapamilya fans nang magpaalam na nga si Direk Bobet, at ang mas ikinagulat nila, lumipat ito sa kalabang programa na 'Lunch Out Loud' sa TV5, na kakasimula pa lamang. Ngunit bago iyan, nauna na roong tumawid sina Billy Crawford at K Brosas, na hurado naman sa 'Tawag ng Tanghalan' o TNT.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At sa unang anibersaryo ng LOL, pinabulaanan niyang niyang hindi pera ang dahilan kung bakit umalis sa network, gaya ng mga naunang lumabas na chika.

"Isa pa po sa main reason kung bakit ako naghanap ng ibang buhay, ito po totoo ito, pinili ko po yung health, yung kalusugan. Kasi po, yung pagtatrabaho ko sa kabila, hindi na po healthy. Mamamatay po ako nang maaga," aniya. Hindi naman niya idinetalye kung dahil ba sa workload o kaya naman ay dahil sa working environment.

Bobet Vidanes on leaving ABS-CBN: 'It's not about money' – Manila Bulletin
Bobet Vidanes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Ang ganda ng programa, pero it’s not healthy anymore."

"To make it short lang, I'm here sa Lunch Out Loud, or any program, no pressure, I am happy now."

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizens.

"Walang pressure kasi wala kayong kalaban… pero once na nabigyan at nagkaroon ng prangkisa 'yang iniwan mo, doon mo na naman mararamdaman ang tinatawag mong pressure… kasi meron na ulit labanan…"

"Toxic naman talaga show nila, masyadong under the belt tumira mga host doon pag nag-eentertain ng mga audience, lalo na yung Kabayo."

"Bakit noon di ka napagod sa tagal mong director12 yrs??? Kamo malaki offer sa 'yo at sabi mo mamamatay ka nang maaga? Bakit bata ka pa ba? Kamo nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN katulad ka ng ibang umalis at nang-iwan sa ABS CBN."

"Yung healthy, yung kalusugan parang HINDI KAPANI-PANIWALA na dahilan kung baga MAY PALUSOT ang peg di ba ang layo ng sagot. Ibang-iba kasi sa galawan mo na hindi ipinaalam sa mga host at basta na lang mang-iwan o bumitaw sa dulo, Nakakatawa lang isipin pero sorry you are LITTLE TOO LATE at wala nang maniniwala pa sa 'yo niyan."

"Hayaan na natin si Direk at iba pang umaalis, sa harap ng camera mukhang okay sila pero pagkatapos, hindi na natin alam ang kuwento. Kaya kung saan siya masaya at palagay niya ay makabubuti sa kaniya, let them be. Walang makapagdidikta sa mga desisyon nila kasi tao lang din sila."

"Go lang Direk, marami pong napapasaya ang LOL. Follow your heart. Minsan lang mabuhay sa mundong ito, at mahirap yung may regrets tayo sa mga bagay na hindi natin sinubukan."

"Sana di na lang nag-talk, parang ungrateful naman."

Kinumusta rin niya ang mga dating kasamahan na sina Jugs, Teddy, at Anne Curtis ngunit hindi binanggit si Vice Ganda, kaya ang tanong ng marami, may tampuhan ba silang dalawa?

Naging vocal kasi ang komedyante na aminadong nakaramdam ng hinanakit kay Direk Bobet dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila. Samantala, wala pa namang sagot o tugon dito ang direktor, o maging si Vice.