Asahan na magbubukas na ang mga passport appointment slots para sa natitirang petsa sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, Oktubre 12.

“Hintayin lamang po ang muling pagbubukas ng appointment slots sa mga darating na araw," anang DFA sa isang advisory na tumutukoy sa appointment slots para sa Oktubre, Nobyembre, Disyembre ngayong taon.

“Inaasahan po namin matapos ito ngayong Oktubre 2021. Simula noong Sept. 20th, kelangan na po kumuha ng panibagong appointment ang may errors/correction sa application form," ayon sa Twitter post niForeign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Pinaalalahanan ni Dulay ang publiko na "libre ang mga appointment slots at maaaring makuha sa passport.gov.ph."

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dagdag pa ni Dulay, iwasan ang pagpunta sa mga DFA offices maliban kung mayroong natanggap na tawag o email mula sa ahensya.

“Makakatanggap po kayo ng tawag o email mula sa amin kapag available na ang inyong passport. Huwag po munang pumunta sa DFA offices habang walang tawag o email na natatanggap upang hindi masayang ang inyong oras," anang DFA.

Betheena Unite