Magandang balita para sa mga residente sa ikatlong distrito ng Maynila dahil nakatakdang magtayo ang lokal na pamahalaan doon ng isang five-storey, multi-purpose hall complex, na may gym at basketball court na mapapakinabangan nila.

Nabatid na ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng naturang multi-purpose hall sa Jaboneros St., Binondo, ay pinangunahan nina Vice Mayor Honey Lacuna, na tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod, at ng kanyang running mate na si District Congressman Yul Servo at Councilor Joel Chua.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kanyang maikling mensahe, pinuri naman ni Lacuna ang pagsusumikap ni Servo na makapagpatayo ng multi-purpose hall na pakikinabangan ng mga Batang Maynila.

Kumpiyansa si Lacuna na sa tulong ng nabanggit na proyekto ay maiiwas ang mga kabataan sa masamang bisyo gaya ng iligal na droga at sugal.

Tiniyak naman ni Servo na libreng magagamit ng mga kabataan ang gym at basketball court at kailangan lamang na makipag-ugnayan sila sa barangay.

Mary Ann Santiago