LLANERA, Nueva Ecija-- Patay ang isang 25-anyos na magsasaka habang malubhang nasugatan naman ang 40-anyos na kasamahan nito sa bukid nang pagbabarilin ng tatlong 'di-kilalang lalaking nakasuot ng bonnet sa kanilang bahay sa Brgy. Morcon dito kamakailan.

Kinilala ng Llanera Police ang nasawing biktima na si Aljon Nares, 25, may live-in-partner, habang isinugod naman sa Dr. Paulino J Garcia Memorial Research & Medical Center sa Cabanatuan City ang sugatang si Rolando Mallari Jr., 40, may-asawa.

Nabatid kay P/SSgt. Israel Sibuma, officer-on-case, bandang alas-6:45 ng gabi noong Lunes nang mangyari umano ang insidente.       

Nagmo-mobile game umano si Nares sa kanyang smart phone sa loob mismo ng kanyang kubo nang bigla umanong dumating ang tatlong lalaking suspek na nakasuot ng bonnet, camouflage jacket at shorts, sakay ng isang kolong-kolong na tricycle at bigla pinagbabaril ng suspek si Nares na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sumunod dito ay tinungo ng mga suspek ang bahay ni Mallari kung saan isang habulan umano ang naganap na nauwi sa pamamaril kay Mallari.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek patungong direksyon ng bayan ng Rizal o sa bayan ng Talavera.

Paghihiganti umano ang tinitingnang motibo ng pamamaril ng pulisya sa nasabing insidente.

Light A. Nolasco