Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Oktubre 12.
Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng ₱1.50 sa presyo ng kada litro ng kanyang diesel, ₱1.45 sa presyo ng kerosene at ₱1.30 naman sa presyo ng gasolina nito.
Hindi naman nagpahuli ang mga kumpanyang Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Caltex na agad na gagaya sa kaparehong taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Idinahilan ng mga kumpanya ng langis, resulta lang ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ito na ang ikapitong sunod na linggong oil price hike ng mga kumpanya.
Sa loob ng anim na linggong price hike mula sa mga petsang Agosto 31, Setyembre 7, 14, 21, 28, at Oktubre 5, umabot na sa kabuuang ₱6.65 ang nadagdag sa diesel, ₱5.30 sa kerosene at ₱4.10 naman sa gasolina.
Bella Gamotea