Siniguro ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang publiko, lalo na ang mga nahihirapang makakuha ng kanilang mga pasaporte, na tinutugis nila ang mga umano’y “fixers” sa loob ng ahensya.
“Rest assured that the DFA is running after fixers,”ani Locsin sa Twitter nitong Lunes, Oktubre 11 habang tinutugunan ang ilang nagpaabot ng hinaing sa umano’y modus ng ilang empleyado sa loob ng departamento, kabilang ang ilang nagsipagretiro na.
Paratang pa ng ilang concerned citizens, mayroon umanong “sindikato” ng mga fixers sa loob ng ahensya na naniningil ng hindi makatarungang halaga mula P2,500 hanggang P3,500 para sa isang slot o para mapabilis ang proseso sa pagkuha ng dokumento.
” I hope DFA holds an investigation about this. I know a lot of people who can’t get renewal slots,” sabi ng concerned citizen na nagpaabot ng hinaing sa social media.
“We have also been opening more and more TOPS [temporary offsite passport services] to accommodate more people,” sabi ni Locsin.
Hinikayat din ni Locsin na sundan ang social media ng DFA at ni Foreign Undersecretary Brigido Dulay para maging updated sa website.
Nitong Oktubre 6, inanunsyo ng DFA na anim na TOPS na makikita sa mga malls sa Metro Manila ang patuloy ang operasyon hanggang sa katapusan ng taon para tugunan ang tumataas na bilang ng passport appointments.
Ang anim na TOPS ay maaaring sadyain sa SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Aura, Robinsons Place Las Pinas, Robinsons Place Magnolia, at Ayala Glorietta 3.
“The Department is also working to open more TOPS sites in other regions of the Philippines to serve more Filipinos living outside Metro Manila who are in need of a passport,” sabi ng DFA.
“The Department requests the public’s understanding and cooperation as it strives to deliver efficient and effective passport services to the public while ensuring the public’s safety and health,” dagdag nito
Betheena Unite