Hindi tinanggap ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga nagsasabing “sampal sa Palasyo” ang pagkilala bilang 2021 Nobel Peace Prize kay Maria Ressa.

“Certainly not. It is not a slap on the government,” sabi ni Roque sa isang virtual press briefing nitong Lunes, Oktubre 10.

“It was made by private individuals in Norway, we respect their decision. But as I said, (the) criminal liability of Maria Ressa remains pending in our court and we leave it to our courts to decide on her fate,”sabi ng tagapagsalita ng Palasyo.

Nasungkit ni Ressa, chief executive officer (CEO) ng Rappler,ang pagkilala nitong Biyernes, Oktubre 8, kahanay ang Russian journalist na si Dmitry Muratov.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nitong Lunes lang nagkomento ang Palasyo kaugnay ng makasaysayang pagkilalaa kay Ressa. Sa katunayan, tinira ni United States (US) President Joe Biden ang Palasyo kasunod ng pagbati nito kay Ressa.

“There is no slap there, because as everyone knows, no one has ever been censored in the Philippines [under the Duterte administration],”giit ni Roque.

“You cannot blame Congress for not renewing the franchise of ABS-CBN because that is one of their powers. That is not an order emanating from the executive nor (sic) is it a matter within the jurisdiction of the executive,”dagdag niya.

Matatandaang binatikos ang administrasyon ni Duterte hanggang sa ibang bansa kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nauna namang nahabla sa kasong cyberliber si Ressa sa Pilipinas.

Ellson Quismorio