Naging usap-usapan sa social media ang Facebook post ng National artist for Literature at Ramon Magsaysay Awardee na si F. Sionil Jose tungkol sa pagkapanalo ni Maria Ressa sa Nobel Prize.

May mga taong sumang-ayon at may mga nanira rin sa kanya dahil sa pagkuwestiyon sa naturang award ni Ressa.

Sa panibagong Facebook post ni Jose ngayong Lunes, Oktubre 11, sinabi niya na pinapatawad niya ang mga naninira sa kanya. 

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Screengrab mula sa Facebook post ni F Sionil Jose

"To all of you who reviled and wished me ill for questioning Maria Ressa’s Nobel Prize—I forgive you." ani Jose.

Sinabi rin ni Jose na maraming nagagalit kay Pangulong Duterte kaya sa tingin ng mga tao ay "bayaran" o "binili" siya umano nito.

"You hate Duterte so much you cannot see any good in the man and you think I have sold out to him. I don’t even know him; I have criticized him," ayon sa national artist.

Sa huling bahagi ng post, nag-iwan siya ng tanong para sa mga taong naninira sa kanya: "Then ask yourself: What heroic sacrifice has Maria Ressa done for freedom and the Philippines. And who is funding her."

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/10/howie-severino-dinepensahan-si-maria-ressa-kay-f-sionil-jose-maria-ressa-is-a-better-writer-than-you/?fbclid=IwAR0FydysM8CN0d_GZnO3ZwGVOhjtGDm7Sp_gnIJEIJ9kWr12AAN73cKUk_8">https://balita.net.ph/2021/10/10/howie-severino-dinepensahan-si-maria-ressa-kay-f-sionil-jose-maria-ressa-is-a-better-writer-than-you/