Posibleng humagupit sa mainland northern Cagayan ang bagyong 'Maring ngayong Lunes, Oktubre 11.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring tumahak sa Luzon Strait ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng hapon at Martes ng umaga.

Malaki rin ang posibilidad na dumaan ang bagyo sa Babuyan Islands sa loob ng susunod na 24 oras.

Dakong 10:00 ng gabi ng Linggo, namataan ang bagyo sa layong495 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Taglay pa rin nito ang hanging may lakas na85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 105 kilometro kada oras habang kumikilos pa-kanluran-hilagang kanluransa bilis na 25 kilometro kada oras.

Dahil dito, anim na lugar ang isinailalim sa Signal No. 2 at itinaas naman sa Signal No. 1 an 17 na iba pang lugar.

Ellalyn De Vera-Ruiz