Isinailalim nitong Lunes, Oktubre 11 sa Signal No. 2 ang siyam na lugar sa bansa at 16 pang lalawigan ang apektado ng bagyong 'Maring.'

Kabilang sa isinailalim sa Signal No. 2 angBatanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Nasa Signal No. 1 naman ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kabilang angPolillo Islands, at Calaguas Islands.

Sa abiso ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng tatama ang bagyo sa dulo ng northern Luzon anumang oras mula ngayon.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Huling namataan ang bagyo sa layong 240 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan, o 265 kilometro Silangan-TimogSilangan east-southeast ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 95 kilometro kada oras at bugsong hanggang 115 kilometro kada oras habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng hapon o gabi.

Ellalyn De Vera-Ruiz