PANGASINAN - Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang insidente ng pagkamatay ng isang lalaking senior citizen matapos matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Felipe Central, Binalonan, nitong Linggo.
Kinilala ng Binalonan Municipal Police ang nasawi na si Eduardo Hidalgo, 65, taga-nasabing lugar.
Sa report ng pulisya, natagpuan ng pinsan na si William Cabugao ang bangkay ni Hidalgo na may malaking sugat sa leeg.
May hinala ang mga awtoridad na nakararanas ng depresyon si Hidalgo kaya kinitil umano nito ang kanyang buhay matapos matagpuan ang isang grinder machine sa tabi ng bangkay nito.
Gayunman, sinisiyasat pa rin ng pulisya ang insidente.
Liezle Basa Iñigo