Habang patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19), mataas ang tyansa na maibababa ng Alert Level 3, bagong stage ng pandemic system kung saan papayagan na ang muling operasyon ng mga negosyo at aktibidad, sa National Capital Region ayon sa Palasyo.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng 0.6 percent na reproduction rate at 13 percent positivity rate ng virus sa Metro Manila.

Sa kanyang pagharap sa midya, sa kasalukuyang datos, qualified ang NCR sa maaaring downgrade ng Alert Level na kasalukuyang nasa Alert Level 4 mula Oktubre 15.

“For the first time po in many many months, ang Metro Manila po ay nasa risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification,”sabi ni Roque.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“I would say it’s a high chance of a lowering of alert level,”dagdag nito.

Habang naniniwalang kailangan na i-downgrade ang alert level sa Metro Manila para mas marami ang makapagtrabaho, pinunto ni Roque na magmumula pa rin sa rekomendasyon ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang magiging pinal na desisyon.

“Meron pong datos na nagpapakita that we can lower quarantine classification. Pero kasi nga po, ang eksperimento natin sa Metro Manila is a pilot, kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot,” sabi ni Roque.

“I would say po that the data supports a reduction of the alert level but that’s ultimately the decision of the IATF. Abangan na lang po natin,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang pagggalaw kabilang na ang intraznal at interzonal travel ng mga tao ay papayagan maliban lang sa ilang restriksyon base sa edad o kasalukuyang comorbidities na itatakda ng mga lokal na pamahalaan.

Muli na ring papayagan ang individual outdoor exercises sa lahat ng edad bakunado man o hindi, may comorbidities man o wala.

Mas maraming mga establisyemento at mga aktibidad ang papayagang magbukas o tumanggap ng nasa 30 percent sa kapasidad nito.

Argyll Cyrus Geducos