Nagsimula na ang screening at evaluation ng Bureau of Corrections (BucOR) sa mga dokumento ng nasa 63 persons deprived of liberty (PDLs) para sa kanilang paglaya mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa pahayag na nilabas, sinabi ng BuCor na umarangkada na ang diskusyon ng NBP’s Local Management Screening and Evaluation Committee (MSEC) nitong Oktubre 7 kaugnay ng paglaya ng n63 PDLs.

“This aims to further asses, evaluate and recommend through a Resolution to the Director General of the Bureau of Corrections (BuCor) Persons Deprived of Liberty (PDLs) who will qualify for release,” sabi nito.

Dagdag nito, iniatas ni BuCor Director General Gerald Q. Bantag ang patuloy na pagpoproseso sa kakailanganing dokumento para paglaya ng mga qualified PDLs.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong Agosto, nasa 339 PDLs mula sa iba’t ibang pasilidad sa bansa ang nakalaya.

Wala pang nilabas na opisyal na bilang ng mga napalayang PDLs noong Setyembre.

Jeffrey Damicog