Aabot sa 31 na kilo ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga pulis mula isang silid sa Brgy. Barangka, Ibaba, Mandaluyong City, na umano'y inuupahan ng isang drug suspect, na naaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation kamakailan.

Larawan mula sa EPD

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-7:45 ng gabi ng Oktubre 9 nang magsagawa sila ng recovery operation sa mga hinihinalang marijuana sa isang silid na matatagpuan sa Silangan St., Brgy. Barangka Ibaba.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa isang tipster na tumangging magpakilala, hinggil sa mga hinihinalang marijuana na naiwanan sa naturang silid na inuupahan umano ng isang drug suspect na una nang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Oktubre 5 sa isang buy-bust operation.

Dahil dito, kaagad nang nagsagawa ng recovery operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Mandaluyong City Police sa lugar.

Nang halughugin ang silid ay dito na nadiskubre ni PCpl Kevin Baguilat ang may 31 na kilo ng suspected marijuana, na nakasilid sa kulay violet na luggage at dalawang multi-colored na sako bags.

Ayon sa pulisya, aabot sa P3,720,000 ang halaga ng mga hinihinalang marijuana na kanilang narekober mula sa operasyon. 

Mary Ann Santiago