CAMP OLA, Albay – Tatlong estudyante ang nasawi habang dumadalo sa kanilang online class matapos humarurot ang isang truck sa isang tindahan sa bayan ng Placer sa Masbate, hapon ng Linggo, Oktub re 10.

Kinilala ni Police Major Malu Calubaquib ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang mga nasawing bata na sina “Christy”, 16; “Ferdalyn”, 10 at “Jelian”, 13;lahat ay residente ng Purok 9, Brgy. Matagangtang, Placer.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng 30 taong-gulang na si Jomar Tanael lulan ng isang ten-wheeler truck ang kahabaan ng Purok 9, Barangay Matagangtang bandang 3:45 ng hapon nang mawalan ito ng kontol sa steering wheel, dahilan para bumulusok ito sa isang sari-sari store.

Ayon sa ulat ng pulisya, agad na nasawi ang tatlong bata.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pagmamay-ari ng isang engineer mula Masbate City at papunta sana ng bayan ng Cataingan mula Milagros ang ten-wheeler truck, parehong bayan sa probinsya ng Masbate, nang mangyari ang aksidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang drayber ng truck na kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga pulis.

Gumugulong na rin ang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) Region 8 sa insidente.

Luces Nino N, Philippine News Agency