Kumpiskado ng mga awtoridad ang₱50 milyong halaga ng assorted na smuggledgoods sa Meycauayan sa Bulacan, kamakailan.
Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), sinalakay ng mga tauhan ng Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at Philippine Coast Guard ang isang bodega na pag-aari ng Elite Globus PrimeholdingsCorp. saBarangay Bahay Pare, Meycauayan kung saan nasamsam ang2,000 sako ng imported red onions, frozen seafood, at cosmetic products.
Nakumpiska rin ang iba't ibang gamot, vitamins, at food supplements na walang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Kakasuhan ang may-ari ng nasabing kargamento kung wala pa ring maiharap na papeles sa loob ng 15 araw, ayon pa sa BOC.
PNA