Hindi magkakaroon ng diskriminasyon sa pamamahagi ng financial assistance sa mga manggagawang naapektuhan ng coronavirus disease 2019 pandemic sa bansa at makikinabang din nito ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer or questioning (LGBTQ) community.

Ito ang tiniyak niDepartment of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at sinabing lahat ng manggagawa ay makikinabang sa programa ng pamahalaan naTulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Nilinaw ito ng kalihim matapos dumalo sa isang payout ceremony saSiniloan sa Laguna, kamakailan.

“TUPAD is for all workers, so one will get the financialassistance whether he or she belongs to LGBTQ or not,” pagbibigay-diin nito.

Ipinaliwanag ng DOLE, ang TUPAD aybahagi ngcash-for-work program ng gobyerno upang matulungan ang mga informal workers na apektado ng COVID-19 pandemic.