Naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang delivery rider na umano'y miyembro ng isang criminal group matapos makumpiskahan ng baril at granada sa gitna ng Oplan Sita sa lungsod nitong Sabado.
Kinilala ni City Police chief, Col. Harold Depositar ang suspek na si Christian Paran, 20, at taga-Guevarra St., Sta Cruz, Maynila.
Nahaharap si Paran sa kasong Unlawful Possession of an Explosive, IllegalPossession of Firearm and Ammunitions at Using Fictitious Name.
Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Poblacion Police Sub-Station sa kanto ng Salamanca at Eduque Sts., Brgy. Poblacion nang mamataanang suspekat kahina-hinala ang kilos nito habang sakay ng motorsiklo, dakong 10:00 ng gabi.
Tinangka pa ng suspek na takasan ang mga pulis, gayunman, agad din siyang nasakote at nasamsam sa kanya ang isang caliber .38 revolver, limang bala ng baril, granada, Nmax motorcycle, helmet at sling bag na naglalaman ng driver’s license ng isang Ali Kreem Paran at Toktok delivery ID.
Miyermbroumano si Paran ng isang criminalgroup na sangkot sa insidente ng holdapan at snatching sa lungsod nitong Setyembre 26.
Bella Gamotea