Isang babae na inabutan ang panganganak sa gilid ng kalsada ang tinulungan ng isang student nurse sa Tabunok Palompon Leyte nitong Linggo, Oktubre 10.
Kinilalang si Tiffany Marie Limpangog ang nag-rescue sa mag-ina.

Kasalukuyang nag-aaral ng BS Nursing si Tiffany sa San Lorenzo Ruiz College sa Ormoc.

Ligtas namang naisilang ang sanggol at ina nito na dinala sa Blue Star Birthing Clinic para bigyan ng dagdag na medikal na atensyon.
Pinangalangan ng mga nakasaksi bilang “Baby Border” ang sanggol.