NUEVA ECIJA - Patay ang isang pulis na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos umano nitong aksidenteng mabaril ang sarili sa loob ng isang ospital sa San Jose City kung saan ito nakarataysa sakit, kamakailan.

Kinilala ni City Police chief, Lt. Col. Criselda de Guzman, ang nasawi na si Police Staff Sergeant Reynante Menia, 43, nakatalaga sa Rizal Municipal Police station at taga-Brgy. Villa Joson ng lungsod.

Bago ang insidente, nakaratay si Menia sa Ospital ng San Jose nitong Oktubre 8 matapos makumpirmang tinamaan ng COVID-19.

Gayunman, habang nililinis umano nito ang kanyang service firearm ay bigla na lamang umanong pumutok at tinamaan ito sa ulo na sanhi ng ikinamatay nito.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Sa pahayag naman ng asawa ni Menia, binabantayan umano nito si Menia na ilang metro lamang ang layo sa kanyang kinauupuan nang makarinig ng putok ng baril sa loob ng kuwarto.

Kaagad umano itong tumawag ng nurse na nakadiskubre sa bangkay ni Menia.

Kaagad namang tiniyak ni De Guzman na walang naganap na foul play sa insidente dahil madalas umanong dinadala at nililinis ni Menia ang kanyang baril.

Ariel Avendaño