Tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasara ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng drug complaint laban kay Julian Ongpin, person of interest sa pagkamatay ng artist na si Bree Johnson.
Dahil walang bagong isyu ang si Ongpin ang ang pulisya, ‘for resolution’ na ang nasabing drug complaint.
“We also assure the public that the PNP will continuously cooperate with the NBI [National Bureau of Investigation] in the investigation into the death of Bree Jonson because we also would like to know the truth on this case,”sabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa isang pahayag nitong Sabado ng gabi.
Ang reklamo kaugnay ng droga ay umusbong matapos marekober ng mga awtoridad ang nasa 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng silid kung saan parehong nanatili si Ongpin at Jonson sa isang beach resort.
Matatandaang natagpuang wala nang buhay si Jonson noong Setyembre 18 sa La Union.
Patuloy naman na gumugulong ang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng Davao artist.
Magsasagawa ng hiwalay na autopsy ang NBI upang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ni Jonson.
Christopher Lloyd Caliwan/Philippine News Agency