Naglabas ng babala ang Philippine Red Cross (PRC) laban sa malisyusong text message mula sa isang indibidwal na nagpapakilalang medical personnel ng “International Red Cross.”

Sa advisory ng PRC, pinabulaanan ng humanitarian organization at binigyan-diin na walang lehitimong organisasyon na International Red Cross.

“Be wary. This is a smishing scam,” babala ng PRC.

“Smishing texts are social-engineering scams that aim to manipulate the people into turning over sensitive data such as banking details. If you have received one, do not entertain the text,” dagdag nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinunto rin ng advisory na meron lamangInternational Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) at International Committee of the Red Cross (ICRC), kung saan kasapi ang PRC.

“PRC’s legal team is currently investigating the incident and will take legal action to the full extent of the law against these offenders,”sabi ng PRC.

John Aldrin Casinas