Anak ng aktor at host na si Vic Sotto na si Paulina Sotto, nagpahayag ng suporta sa tatakbong presidente na si Vice President Leni Robredo.

Isang makahulugang Instagram story ang unang ibinahagi ni Paulina nitong madaling araw ng Linggo, Oktubre 10.

Aniya, “You are not obliged to support or promote someone simply because you are related to them or have connections to them.”

Si Paulina ay pamangkin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tatakbong sa pagka-bise presidente sa hanay ni Senator Panfilo "Ping" Lacson bilang pangulo sa Halalan 2022.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

“Enough is enough. It’s time to focus on what our country needs,” dagdag ni Paulina.

Kasunod na ibinahagi ni Paulina ang larawan ng listahan ng credentials ni Robredo.

Ilang oras lang ang nakalipas, larawan naman niya kalakip ang #LabanLeni2022 ang nakapaskil sa kanyang Instagram story.