Personal na sinagot ni Miss Universe candidate ng San Juan City na si Rousanne Marie "Ayn" Bernos ang mga umalma sa kanyang TikTok video.

Sa kanyang TikTok account, pinost ni Ayn ang kanyang video na rumarampa sa isang hallway habang suot ang pink na dress.

Ang uploaded video ay may caption na "I love this color." at #LetLeniLead.

Kalmado namang sinagot ni Ayn ang mga umalma sa kanyang caption.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

"If yan yung first assumption mo, it's because YOU can't stand for anything without getting paid," sagot ni Ayn sa komentong nagtanong kung magkano ang nakukuha ni Ayn mula kay Bise-presidente Leni Robredo.

"Bakit po ganyan una niyong iniisip? Pera lang ba rason niyo para bumoto," bato ni Ayn sa isang TikTok user na nagtanong kung may talent fee na natatanggap si Ayn.

Larawan: Ayn Bernos/TikTok

"I don't know how could you think I'd support anyone else. She's the most transparent, accountable, empowered leader we have," sagot ni Ayn sa isang fan na dismayado sa pagsuporta nito kay Robredo.

"San mo nakuha yan? Yan ba presyo mo? pagbabalik ni Ayn sa paratang ng isang TikTok user kung 10k ang presyo ni Ayn bawat episode.

"You literally just admitted na sobrang talino ko," sagot ni Ayn sa sinabi ng isang user na "… Sobrang talino mo may side ka rin palang kavuvuhan."

Si Ayn ay nakilala sa kanyang TikTok videos bilang vocal sa mga issue sa lipunan at pag-eencourage sa mga kapwa niyang kababaihan.