Maaari nang iparehistro ang mga sanggol para saPhilippine Identification (PhilID) card, ayon sa abiso ng Philippine Statistics Authority (PSA), kamakailan.
Gayunman, binalaan ng PSA ang mga magulang at tagapag-alaga na huwag nang isama sa mga registrationcenter ang kanilang mga beybi na mula 0 hanggang 4 taong gulang.
“Yes, even babies can register for the national ID. Mothers, you can register your babies so they will not have a hard time getting an ID when they grow up,” ayon sa Facebook post ng ahensya.
Nilinaw ng ahensya na dapat lamang na dalhin ng mga magulang at guardians ang birth certificate ng mga sanggol para saPhilippine Identification System (PhilSys) registration.
Ipatutupad pa rin ng PSA ang online registration dahil na rin sa pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa, ayon pa sa ahensya.
Sinabi ng PSA, pumunta lamang ang mga magpaparehistro sahttps://register.philsys.gov.phpara sa unang proseso kung saan kukunin angdemographic information, katulad ng pangalan, kasarian, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, edad,permanenteng address, blood type, citizenship, at marital status.
Sa datos ng PSA, mahigit na sa 32 milyong Pinoy ang nakapagpatalapara sa nasabing National ID system at nasa 1.9 milyon na ang binigyan ng ID card.
PNA