Kung may mga Pinoy Big Brother o housemates na nagtuloy-tuloy ang kasikatan at pagiging celebrity simula nang pumasok sila sa Bahay ni Kuya, isa na rito ang 'Inday Kenkay' at isa sa mga momshie host ng 'Magandang Buhay' na si Melai Cantiveros.

Kaya sa Instagram post, todo-pasasalamat siya sa direktor ng PBB na si Direk Laurenti Dyogi dahil sa nabanggit nitong isa sa mga paborito nitong season sa naturang reality show ay ang panahon ng batch ni Melai. Nakapanayam kasi ng PBB main host na si Toni Gonzaga si Direk Lauren sa kaniyang talk show vlog na 'ToniTalks'.

"Naiyak ako direk @direklauren, yung take ko is sa lahat ng ating pagdadaanan sa buhay, ang pinaka-best na reward ni Lord is yung realizing the lesson from the struggle na pinagdaanan, yung mga worldly blessing na dadating is bonus na lang 'yun," ani Melai, batay sa mga naibahagi ni Direk Lauren hinggil sa hirap na pinagdaraanan ngayon dahil sa ABS-CBN shut down.

"Doon talaga sa lesson cause its an intangible blessing na magagamit mo hanggang sa dulo ng buhay mo, and 'ika nga sabi ni Ate Toni @celestinegonzaga, everything is a learning experience."

"Sa lahat ng may pinagdadaanan ngayon, normal lang na may pagdaanan, figure out what lesson ang kailangan matutunan."

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Si Melai Cantiveros ang Grand Winner ng PBB: Double Up noong 2009. Naging daan ito upang sumikat siya, at mahanap ang kaniyang 'forever' na si Jason Francisco, na ngayon ay asawa na niya.