Sinabi ng aktres na si Iwa Moto na susuportahan niya ang kanyang father-in-law at presidential candidate na si Panfilo "Ping" Lacson Sr. dahil sa pagmamahal nito sa bansa.
Sa kanyang Instagram, sinabi niya sa mga netizens na tigilan na ang negativity sa politika.
“I fully admit yes I support my father-in-law. Because I personally know how much he loves this country," aniya.
“If you support him, thank you so much. If not naman it’s OK. But please, we need to stop the negativity now," dagdag pa niya.
Si Iwa ang asawa ni Pampi Lacson, anak ng presidential candidate. Mayroon na silang dalawang anak.
Robert Requintana