Kinilala bilang kauna-unahang Filipino Nobel Peace Prize awardee ang mamamahayag na si Maria Ressa noong Biyernes, Oktubre 8.
Sa kabila ng mga papuri na kanyang natatanggap, may mga tao na tila nagsasabing hindi karapat-dapat si Ressa sa naturang award.
Usap-usapan sa Facebook, ang naging pahayag ng National Artist for Literature at Ramon Magsaysay Awardee na si F. Sionil Jose nitong Sabado, Oktubre 9.
Aniya, hindi deserving si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award. Dahil siya mismo ay pinuna si Duterte ngunit hindi sa kalayaan sa pamamahayag.
"Maria Ressa does not deserve the Nobel... I have criticized Duterte but not on press freedom. The Philippine press is alive and well not because of Maria Ressa. No writer is in jail. There is no censorship," ani Jose sa kanyang Facebook post.
Ibinahagi rin ng national artist ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN. Aniya hindi si Pangulong Duterte ang nagpasara nito kung hindi ang Kongreso na hindi binigyan ng bagong prangkisa ang network.
Dagdag din niya, labis na nasubok ang mga mamamahayag noong panahon ng diktatorya ni Ferdinand Marcos, na kung saan pinasara ang lahat ng mga media at ikinulong ang mga mamamahayag, at hindi sa panahon ni Duterte.
"The real test for journalists was made during the Marcos dictatorship when he imposed censorship, closed all media and jailed journalists," aniya.
Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi niya na may mga magagaling na mamamahayag ang bansa na lumaban kay Marcos.
"For sure, we always had great journalists who fought Marcos, among them the late Letty Jimenez Magsanoc and Betty Go, Eggie Duran Apostol (RM awardee), Sheila Coronel (RM awardee), Marites Vitug and Chi-Chi Lazaro on TV," aniya.
Kaugnay nito, dinepensahan ng mamamahayag na si Howie Severino si Maria Ressa tungkol sa pahayag ni F. Sionil Jose.
Ayon sa kanyang komento, nabasa niya ang mga libro nina Jose at Ressa, sinabi niya na mas mahusay na manunulat si Ressa.
"My opinion as a reader- I’ve read your books and I’ve read Maria’s books. She’s a much better writer. Your books are hard to finish. Your dialogue is stilted and unrealistic," aniya.
"Even your columns contain little to no insight. But I like your bookstore," dagdag pa ng mamamahayag.

Gayunman, may mga hindi nagustuhan ang naging komento ni Severino.





Ang Nobel Prize Prize ay nagmula sahuling will and testament ni Alfred Nobelnoong Nobyembre 1895 kung saan nakasaad doon na ibabahagi ang kanyang mga maiiwang kayaman sa larangan ng physics, chemistry, physiology o medisina, literatura at mga naging bahagi sa pagtataguyod ng kapayapaan.
Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/09/nakakalula-ilang-milyon-nga-ba-ang-maiuuwi-ng-nobel-peace-prize-awardees/">https://balita.net.ph/2021/10/09/nakakalula-ilang-milyon-nga-ba-ang-maiuuwi-ng-nobel-peace-prize-awardees/
