Sisimulan na ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa pamumuno ni DIWA Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay, ang imbestigasyon laban sa OCTA Research Philippines sa Lunes, Oktubre 11.
Magsasagawa ng pagdinig ang Mababang Kapulungan upang himayin ang qualifications, research methodologies, partnerships, at composition ng nabanggit na independent research group.
Mangunguna sa committee hearing si BH Partylist Rep. at Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy.
Nagbigay ng seryosong usapin sa kredibilidad ng OCTA Research ang mga House leader nitong Agosto 4.
Tinanggap naman ng OCTA Research ang naturang hakbang ng mga kongresista.
Ang OCTA Research Philippines ay isang pribadong polling, research, at consultation firm na nakabase sa Quezon City.
Melvin Sarangay