Aksidenteng natamaan ng bala o stray bullet ang isang Grab rider matapos ang paghabol ng kapulisan sa aktor na si Jake Cuenca nang mabangga nito ang sasakyan ng mga pulis at hindi huminto sa pagmamaneho, nitong Sabado ng gabi, Oktubre 9, 2021.

Ang naturang Grab rider ay kinilalang si Eleazar Bandolan Martinito, 43, na hindi sinasadyang matamaan ng stray bullet nang paputukan ng mga pulis ang gulong ng minamanehong sasakyan ni Cuenca habang tumatakas. Kaagad na naitakbo sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang naturang Grab rider, na sasailalim umano sa surgery.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/10/jake-cuenca-inaresto-ng-mga-pulis/

Sasailalim umano sa imbestigasyon ang mga nagpaputok na pulis. Isinurender na rin nila ang mga armas nila para sa ballistic tests. Kakasuhan umano ng mga pulis si Cuenca sa salang reckless imprudence resulting to damage property. Hindi pa malinaw kung makakasuhan naman ang mga pulis dahil sa nangyari sa Grab rider.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'