Grabeng intense ng eksena ng panghapong drama series ng GMA-7 ang "Nagbabagang Luha" na pinalabas itong Sabado.
Nalaman kasi ni Calida Montaire played by Direk Gina Alajar na hindi buntis si Cielo played by Claire Castro. Sa istorya inaasahan na ni Calida na magkakaapo na siya sa anak niyang si Alex played by Rayver Cruz sa nabuntis niyang si Cielo. 'Yun pala fake ang pagbubuntis nito.
Kaya naman humaharabas at tumataginting na sinampal ni Calida si Cielo nang maganap ang confrontation na gulat na gulat (in character) sila Glaiza de Castro (Maita), Mike Tan (Bien) at Rayver Cruz (Alex) na pawang naroon din sa eksena. Makailan ding sampal at sabunot ang natikman dito ni Claire (Cielo).
Ang huhusay nila sa eksenang ito. Tiyak marami pang nakakagulat na eksena sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye.
Ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram ang video ng behind-the-scene ng isang eksena sa "Nagbabagang Luha"
Sey ni Glaiza, "Yung nagulat din kami nila @imiketan at @rayvercruz sa nangyari sa eksena pero kailangang mag stay in character…
"Sa totoo lang, isa ito sa mga pinaka masakit na eksenang ginawa namin. Sobrang awang awa kami kay @ clairevcastro, pero kailangan matuto ni Cielo,"
"As always sarap ka eksena ni Direk @ ginalajar."
Sa comment, si Ken Chan ay gandang-ganda sa eksena pati siya gusto na rin daw niyang magpasampal kay Direk Gina Alajar.
Sabi naman ng netizen iba talaga kapag galawang Direk Gina. Ayon pa sa isa pang netizen napasigaw pa nga raw sila habang nanonood ng TV dahil dalang dala sila sa eksena.
Yun na!