TARLAC CITY - Isa sa dalawang umano'y drug pushers na taga-Cavite ang napatay matapos lumaban sa isang engkuwentro sa Bypass Road, Barangay Tariji, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Aldrin Dayag, investigator-on-case, nakilala ang napatay na si Jonah Liporada, 26, taga-ng Burol IV, Dasmariñas City, Cavite.
Nakatakas ang kasabwat nito sakay ng isang motrosiklo, ayon sa pulisya.
Bumibili umano ng illegal drugs ang mga pulis sa dalawang suspek, gayunman, lumaban at binaril umano ng isa sa mga ito ang mga awtoridad.
Napilitan namang lumaban ng mga pulis na ikinasawi ni Liporada.
Nasamsam sa lugar ang P363, 800.00 halaga ng droga at drug paraphernalias