Tapat na inamin ni Star Magic head at direktor ng Pinoy Big Brother na si Direk Laurenti Dyogi na nasaktan siya sa mga katrabahong piniling umalis sa Kapamilya Network sa panahong nasa krisis ang kompanya.

Sa naging panayam niya sa 'ToniTalks' na umere nitong Oktubre 10, emosyunal niyang sinabi na may mga bagay talagang sadyang hindi kontrolado.

"When the boat is sinking, you can't expect everybody to stay in the boat or stay with you," ani Direk Lauren.

"As I said, tao ako… masakit talaga. Especially sa mga taong talagang kinausap ko, one, two, three times… masakit talaga. Ang sa akin lang, kapag may onset ka, sabihin mo na lang…"

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Direk Laurenti Dyogi at Toni Gonzaga (Screengrab mula sa YT/ToniTalks)

Direk Laurenti Dyogi at Toni Gonzaga (Screengrab mula sa YT/ToniTalks)

"If I am going to analyze it, siguro kasi dumaraan din siya sa proseso… iniisip din niya kung ano ang tama sa kaniya, hindi ko naman maaalis iyon sa kanila… pero masakit talaga!" dagdag pa ng direktor na tinatawag ni Toni Gonzaga na 'lolo'.

"But, I guess… hindi ko na controlled 'yun eh, hindi ko na kontrolado ang utak at puso ng tao eh. May priorities sila, may priorities din naman kami, hindi siguro nagtugma yung mga priorities namin, at this point… We wish them well…" paliwanag daw pa ng direktor. Mas nakikita umano ang pagkatao ng isang indibidwal sa mga ganitong pagkakataon.

Saad pa niya, hindi naman unang beses na nangyari ito sa ABS-CBN.

"It's not the first time that it happened to ABS-CBN, na may mga umalis, nangyari na rin naman 'yan, remember before… it's always in the very difficult time, crisis, and challenging times, lumalabas yung tunay mong pagkatao. Palagay ko, okay na rin… magkakaalaman tayo, bilog naman ang mundo eh, maliit lang ang industriya," pahayag pa nito.

Personal niyang pinasalamatan si Toni Gonzaga dahil isa umano ito sa mga A-listers ng Kapamilya Network na pumayag na matapyasan ang sinusuweldo at nanatili sa network na nagpasikat sa kaniya nang husto.

Magbabalik-telebisyon si Toni G bilang main host ng season 10 ng 'Pinoy Big Brother Kumunity' na mapapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa Oktubre 16, 2021.