Pinuri ni Cristy Fermin ang desisyon ng 'Wowowin' TV host na si Willie Revillame na huwag pumasok sa 'magulong' mundo ng politika, batay sa kaniyang anunsyo sa mismong programa niya sa GMA Network nitong Oktubre 7, 2021.

Sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute', pinuri ni Cristy ang naging malalim na pagninilay-nilay ni Willie, hanggang sa nagdesisyon na ngang huwag magpatianod sa pagbuyo ng iba na suungin ang pagiging senador sa darating na halalan 2022.

Kapuri-puri din umano ang pag-amin ni Willie na wala siyang alam sa mundong papasukin niya; na baka mapagtawanan lamang siya ng mga makakasamang magagaling na senador, at wala naman talaga siyang alam sa batas dahil hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral.

"Hindi po lahat ay kayang umamin sa publiko na wala siya ay talagang walang alam sa papasuking mundo," ani Cristy.

Relasyon at Hiwalayan

Nadia, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila

Matatandaang inamin ni Willie na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang kumumbinsi sa kaniyang tumakbo bilang senador, sa pamamagitan ng video call at personal na imbitasyon sa kaniya sa Palasyo.

Subalit kahit na hindi tatakbo si Kuya Wil, may party list namang ipinangalan na 'Tutok to Win' party list na kasama at katuwang umano ni Willie sa programa.