Matapos maging hayagan sa publiko ang 'Public Displays of Affection' o PDA nina AJ Raval at Aljur Abrenica habang naglalakad-lakad sa mall at magkahawak-kamay, marami ngayon ang nagtatanong kung ano ang say ni Kylie Padilla rito.
Inispluk na rin kasi ni AJ na nanliligaw nga sa kaniya si Aljur, at windang to the max rito ang pudrakels na si Papa Jeric Raval; sumakit ang ulo ng action star kung paano niya ipaliliwanag sa kaibigan nitong si Robin Padilla na 'naniningalang-pugad' ang ex-manugang nito sa kaniyang junakis!
BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/06/aj-raval-umaming-kilig-pechay-kay-aljur-we-care-for-each-other/
Usap-usapan ang pagla-like ni Kylie sa kumalat na larawan kung saan 'HHWW' o holding hands while walking ang ex-hubby at ang sexy actress, na namili pa yata ng mga laruan sa loob ng sikat na toy store sa loob ng mall.
Sinabi rin ni Kylie sa pakikipag-usap niya sa chatroom ng kaniyang mga tagahanga na gusto na niyang mag-move on, at nilinaw rin niyang hindi si AJ ang third party kung bakit sila naghiwalay.
Na-appreciate naman ni 'Reyna Amihan' ang mga mensahe at concern ng kaniyang mga tagahanga sa kaniya.
"Pero thank you sa love and support… Naappreciate ko kayong lahat sobra (heart emoji).”
Noong Oktubre 1 ay nag-tweet si Kylie na walang issue sa kaniya kung may ibang i-date si Aljur dahil naging mutual naman daw ang kanilang paghihiwalay.
"Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this," aniya sa tweet.
Pak, ganern!