Para kay Senator Sonny Angara nitong Linggo, Oktubre 10, panahon na para bigyang prayoridad ng pamahalaan ang mga programang magbabangon sa Marawi City matapos ma-displace ang ilang residente sa limang-buwang giyera noong 2017.

Pinunto ni Angara na habang apat na taon na ang nakalipas nang maipanalo ng gobyerno ang laban sa Marawi City, nasa P17 bilyong halagang ari-arian at oportunidad pang-ekonomiko naman ang nawala sa lugar,

Dahil dito naghain ang Senate Finance Committee, komite na pinangungunahan ni Angara, ng Senate Bill 2420 o ang “Marawi Siege Victims Compensation Act of 2021” na layong magbigay ng kabayaran sa mga biktima ng Marawi siege para sa mga danyos at pagkasira ng mga ari-arian ng mga residente.

Inihain ang panukalang batas bilang substitute sa Senate Bill No. 1395 na nauna nang na-introduce nina Majority Leader Miguel “Migz” Zubiri, Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, Francis Tolentino, Christopher “Bong” Go, and Imee Marcos; at 2394 nina Senators Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Richard Gordon.

DSWD, ‘to the rescue' sa viral PWD na kinuyog sa EDSA carousel

“Though we emerged victorious, there is no such thing as a war without death, damage, or destruction. While up to 1,200 individuals were killed on both sides of the siege, it was estimated that up to P17-billion worth of property and economic opportunities were lost,” ani Angara.

“The biggest casualty were the hopes and dreams of the proud Maranao people,” pagpupunto ng senador.

Tax-free ang monetary compensation sa panukalang batas sa mga may-ari ng ari-arian, mga kultural at komersyal na gusali sa loob ng Marawi’s Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA).

Kabilang sa MAA ang 24 barangay: Lumbac Madaya, South Madaya, Raya Madaya 1 and 2, Sabala Amanao, Sabala Amanao Proper, Tolali, Daguduban, Norhaya Village, Banggolo Poblacion, Bubong Madaya, Lilod Madaya, Dansalan, Datu sa Dansalan, Sangkay Dansalan, Moncado Colony, Moncado Kadilingan, Marinaut West, Marinaut East, Kapantaran, Wawalayan Marinaut, Lumbac Marinaut, Tuca Marinaut at Datu Naga.

Bahagi naman ng OAA ang walong barangay kabilang ang Saduc Proper, Panggao Saduc, Raya Saduc, Lilod Saduc, Datu Saber, Bangon, Fort at Wawalayan Caloocan.

Makakatanggap din ng compensation ang may-ari ng pribadong mga ari-arian na nawasak bilang bahagi ng Marawi Recovery, Rehabilitation at Reconstruction Program.

“Ito ang tinutumbok ng ating panukalang batas. Walang saysay kasi ang anumang rehabilitasyon ng Marawi kung hindi makakauwi ang mga taga Marawi," sabi ni Angara.

“At kapag may bayad-pinsala o compensation silang matatanggap para sa property nila na nasira o nawasak, mas me-e-enganyo silang magsimula at itayo muli ang kanilang buhay sa Marawi,” dagdag ng senador.

Parehong panulang batas, ang House Bill No. 9925, sa House of Representativesang naipasa nitong Setyembre.

Hannah Torregoza