Nahawaan ng coronavirus disease 2019 si Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kinumpirma ito ng Office of the City Mayor ng Davao matapos lumabas ang resulta ng swab test ng alkalde nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng tanggapan ng alkalde, tinamaan pa rin ng virus si Duterte-Carpio kahit fully vaccinated na ito.

“She has mild symptoms and is in isolation caring for other family members who need medical attention in Davao City. The family requests for complete privacy at this time and respectfully urge the public to refrain from sending tokens for well wishes,” ang bahagi ng pahayag ng opisina ni Duterte-Carpio.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Noong nakaraang Setyembre, dinapuan din ng COVID-19 ang kapatid ng alkalde na si

Davao City1st District Rep. PaoloDuterte at Sebastian at nahawa rin sa sakit ang isa pa niyang kapatid na si Sebastian nitong nakalipas na Hulyo.

Antonio Colina IV