Pagkaraang manalo sa 2021 International Weightlifting Federation Youth World Championships sa Jeddah, Saudi Arabia, nahaharap sa mas matinding hamon si weightlifter Rose Jean Ramos batay na rin sa desisyon ng kanilang national sports association.

Sinabi ni weightlifting president Monico Puentevella ipadadala nila si Ramos sa World Weightlifting Championships, kasama nina Hidilyn Diaz, Elreen Ando at iba pang miyembro ng senior team.

Nakatakdang idaos sa Uzbekistan sa Disyembre 7-17, inaasahang masusukat kung ano pa at hanggang saan ang puwedeng maipamalas ng 16-anyos na si Ramos na posibleng maging daan upang makalahok siya sa 2024 Paris Olympics, hanggang 2028 Los Angeles at 2032 Melbourne Summer Games.

Maraming pinahanga si Ramos sa kanyang pagwawagi ng dalawang gold medals at isang silver sa Youth World Championships.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“They are the future Olympians of this country. It all depends on their determination and attitude the same as Hidilyn Diaz,” saad pa ni Puentevella na tinutukoy si Ramos at ang naunang nagwagi ng bronze medal sa nasabing Youth Championships na si Jeaneth Hipolito.

“If they can maintain it, then we are in for more medals in the Olympics, especially in the Los Angeles Olympics. They will be ready," pahabol na pahayag ng opisyal.

Marivic Awitan